
Sa kaisipan naman, marahil din ay hindi na ganoong katalas (kung naging matalas nga ba) ang aking memorya. Kakaunti na rin ang maituturing kong likas na inspirasyon sa aking buhay na magbibigay tulak sa aking emosyon at kamalayan na siyang sasalamin sa nais kong ipahayag. Alalaong baga'y, palubog na ang aking araw. Subalit nais ko pa ring makagawa ng isang testamento sa pamamagitan ng blag na ito na kung hindi man maging salamin ng katotohanang nauukol sa lipunan at kapaligiran, ay maging isang tuntungan ng mga taong nais mamayagpag sa kanilang mundong ginagalawan.
Ang sumusunod na awit ng Asin ay isang testamento ng isang makabayan at maka-kalikasang damdamin. Hindi ka maaaring maging makabayan habang itinatanggi mo ang iyong papel sa pagpapalawig ng kapakinabangan ng kalikasan. At sa pagtatanggol mo ng kalikasan, ipinapakita mo rin ang iyong malasakit sa lipunang nagbibigay sa iyo ng katutubong dangal at katauhan.
Nais kong gawing pundasyon ng blag na ito ang diwa at layunin ng kanta-awtor nito:
Masdan Mo (Ang Kapaligiran)
AsinWala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natinREFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itimAng mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikmanREFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahanAD LIB
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyanREFRAIN 3
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasanDarating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohanREFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na[Repeat REFRAIN]
Sa pamamagitan nito ay humihingi ako ng pahintulot sa mga kinauukulan upang tuluyang gamitin ang awit na ito bilang aking inspirasyon. Kung marapatin ninyong hindi maaari, ipagpaumanhin nyo ang aking pag-aakala at kapangahasan na gawin ito.
3 kuro-kuro o puna:
masayang kantahin
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan...
Sir ano po ang ibig sabihin ng liriko na ito,totoy pa ko ng maging paborito ko ang kanta na ito ng asin,gang ngaun di ko pa rin alam kung ano ang ipinararating ng ng vocalists?
Personal na kahilingan niya lamang po yan sir, marahil ay mas ramdam niya ang kapayapaan at kasiyahan kapag umuulan. At nung pumanaw nga po siya ay umulan talaga at natupad ang kanyang hiling.
Post a Comment