Pages

Tuesday, March 18, 2008

Ang Eskandalo ng Isang Pinay sa Tabing Ilog

Kilala si Nena bilang isang prostituta - isang puta na nagbebenta ng sarili upang mabuhay, hindi nga lang marangal ngunit busog naman ang tiyan at may konti pang sobra na pambili ng kung ano mang kailangan.

Sa isang pananaw, nakaka-awa si Nena dahil napipilitan siyang gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin. Labag man sa kanyang kalooban, hinahayaan niyang gawin ng kung sinong hayok na lalake ang nais nitong gawin sa kanya. Nagpaparaya na lamang siya upang hindi masaktan at hindi gulpihin ng kanyang bugaw kung siya man ay magrereklamo. Alipin si Nena ng situasyon at lugar kung saan siya namumuhay. Hindi man nakaposas at wala mang rehas sa kanyang paligid, hindi siya makatakas, hindi maka-alpas dahil wala naman siyang patutunguhang makakatulong na siya ay magbagong landas.

Ito nga ang buhay ng isang prostituta - isang taong ginagamit ang katawan para sa isang layuning hindi angkop sa kanyang dignidad bilang nilalang. Ito ang katotohanan. Gayunpaman, sa kabila ng lahat, naaawa ang lipunan sa ganitong paraan ng pamumuhay.

Subalit may mga putang hindi dapat kaawaan.

May mga putang alam at gustong gusto pang gamitin ang sarili sa paraang nagpapababa sa kanilang dignidad.

May mga prostitutang ganito na hindi alintana at binabalewala ang pagkasunog ng kanilang kaluluwa sa impyerno dahil sagad sa sarap ang kanilang nararamdaman sa gitna ng tila walang katapusang kapangyarihan.

Hinayaan man ng lipunan na lumawig pa ang eksistensya ng ganitong uri ng puta, hindi nangangahulugang sumasang-ayon ito sa ganitong uri ng buhay. Mahirap sukatin ang kapangyarihang ng prostitutang ito dahil maraming nahuhumaling sa kanya. At kapag pina-andar na niya ang alindog ng salapi, lalo pang nagiging parang asong ulol ang nakapaligid sa kanya, handang lapain ang sinumang umaasta laban sa prostituta. Lahat ay nagiging kalaban, kahit na ikaw man ay kanyang naging kakampi noong araw.

Oo, sawing palad si Nena dahil sa masamang sinapit ng kanyang buhay. Biktima siya ng isang mapaglarong tadhana. Mahina siya upang gumawa ng makabubuti para sa sarili.

Sa kabilang dako nama'y walang habas sa kanyang patapong buhay yung isang uri ng prostituta. May lakas siya, ano pa't may kapangyarihan siyang palawigin ang buhay ng isang kondenado, o putulin ngayon din ang hininga ng sinumang kokontra sa kanya, basta't iutos niya lamang.

May pagkakataon ang lahat na maging kapakipakinabang sa lipunan. Ano ba ang pakinabang natin kay Nena? Kung tutuusin ay wala, subalit sa kabuuan ng mga plano ng Maykapal, nandyan siya upang maging salamin ng isang lipunang nabubuhay sa gitna ng talamak na kadiliman ng kaisipan at kaugalian. Ang mga karanasan ni Nena ay karanasan ng lipunang pinagsamantalahan, niyurak ang dangal at patuloy na tinatapakan.

E paano naman yung isang uri ng puta, may pakinabang din ba siya? Ang isang prostituta'y may silbi sa sinumang naghahangad ng ligayang dulot ng laman. Sila at sila lamang ang nakikinabang sa ganitong situasyon. Maliit na mundo ang kanilang ginagalawan subalit tila may impluwensiya sila sa lahat ng takbo sa lipunan.

Sa pagitan ng dalawang uri ng putang tulad nila, sino ang iyong tatangkilikin?

Sagad na tayo sa tinatawag na "Pinay Scandal". Ang eskandalong dulot ng puta sa tabing ilog na yata ang pinakamatindi...

15 kuro-kuro o puna:

Anonymous said...

parang gusto kong bilangin kung ilang beses mo ginamit yung sariling puta ha lol!

Anonymous said...

O binilang ko para sa iyo: pitong puta ang nakatala sa sulating ito...lol...

Anonymous said...

hehehe ayus :) pwedeng gawing digi film tong istorya mo ha :)

Anonymous said...

Sige, iprodyus mo, mag ala mother lily at papatulan ko yon...hehehe...

Anonymous said...

isang nakakalungkot na katotohanan...

Anonymous said...

lol hehehe sige tignan ko kung papasa dun sa mga dati kong kateatro na assistant director na ng ABS CBN :)

Anonymous said...

@eli: nakakalungkot nga talaga. Maiiyak na nga ako sa drama ng buhay doon sa tabing ilog e...ROFL...

@melai: aba, big time na pala sila, assistant direc na sa kapamilya network. Teleserye ba gagawin natin...lol..

Anonymous said...

hehehe nangangarap ba tayo dito lol!! digi film lang lol

yung isa naming kasamahan gumagawa ng mga documentary film naman

Anonymous said...

ako na lang kaya ang gumawa. manghihiram ako ng celfone kung walang handycam. Tapos upload ko sa youtube...hehehehe may manood kaya?

sadako said...

meron pa akong alamna isang kalse ng prostitute na kinaiinis ko, yung political prostitutes at environmental prostitues na pinabibili ang puri, prinsipyo at danagal para lang maka kurakot ng pera na ang kapalit ay welfare ng bansa natin at pagkasira ng kalikasan

Anonymous said...

isa po akong seminaristang walang magawa sa bakasyon. nabasa ko po yung blog nyo at ako'y napa-susmaryosep! pero hindi po ako gumamit ng search engine, promise. galing lang po ako sa kapitbahay nyong blog.
kidding aside, tama ka at si panjeet. may iba pang puta sa lipunan. ang hirap lang, parang naging career choice na ito ng karamihan. at ang nakakatakot pa, ang ganitong uri ng puta, di nalalaspag, mas nagiging hayok lang. siguro pwede ka ring magpost tungkol sa klase ng bugaw. not that I'm suggesting na expert ka sa mga ganitong bagay. God bless!

Anonymous said...

@bluep: yun naman talaga ang ibig sabihin ng prostituta e: nagpagamit para lamang sa pera o kung anong material na bagay.

@brotherutoy: maganda yang suggestion mo. Hayaan mo susubukan kong makasulat tungkol sa isang bugaw. meron na nga akong idea kung sino siya: sumali siya bilang contestant sa Pinoy Idol...abangan mo...hehehe.

Anonymous said...

bespren.... maraming manonood nyan hehehe ayan nitawag na kitang bespren lol! kung sa youtube mo lalagay mas okey sisikat ka at kapag sikat ka na saka ka kukunin ng ABS-CBN tyak, totoo yan di ako nagbibiro :)

paalala mo sa kin the night before ng guesting mo para magising ako ng maaga :) usually kasi past 10 na ko nagigising e pinakalate 11:30 ng umaga kasi bihirang mangyari yung magtagal ako sa kama dahil nga sa trabaho e.. basta paalala mo sa kin ha at saka babatiin mo ko ha lol!

Anonymous said...

@manilenya: anong oras ba dyan yung 10pm dito sa Manila? Sige babatiin kita siyempre, libreng plugging pa ng mga blogs mo...lol...

Anonymous said...

hay nako walang kwenta