Pages

Thursday, April 24, 2008

Si Luwalhati at si Blangelina

"Aba, mukhang naiimbyerna na si Mother!"

"Oo nga, kitang-kita na sa kulubot niyang fez at tila malalaglag na ang kanyang baba sa kakaisip kung paano tayo makakalamang kay Blangelina."

Walang magawa ang dalawang alipores ni Luwalhati kundi masdan ang kanilang amo at magbuntung hininga na lamang. Sa loob ng kanilang madilim at mainit na kweba, awa ang kanilang nararamdaman para sa kanilang amo.

Galing sa iisang angkan sina Luwalhati at Blangelina. Bagama't iisa rin ang kanilang layunin na sugpuin ang pwersa ni Among Bene na siyang Pangkalahatang Bantay ng lupain ng Sapin-sapin, mahigpit ang kanilang kumpetisyon. Kailangang mapasa-kanila ang pagmamay-ari at kapangyarihan ng lupaing ito upang maging ganap ang kanilang pagka panginoon.

Subalit isa lang sa kanilang dalawa ang dapat lumuklok sa trono at maging panginoon ng lahat.

May kani-kaniya silang lakas na pilit nilang pinananaig laban sa isa't-isa. Gayon din naman mayroon din angking kahinaan ang bawat isa. Pilit at lihim nilang tinutuklas ito upang magamit din laban sa isat-isa.

Sa ngayon, tila patas ang dalawa - walang nakakalamang, wala rin namang dehado ika nga. Gayon pa man, nagbabalak ang bawat isa ng isang paraang magbibigay ng kalamangan sa susunod na pagtutunggali.

"Mam, alam ko na ang dapat mong gawin!" Bulalas ng alipores ni Luwalhati. "If you can't beat them, join them."

"Teka, wag mo nga akong pangunahan, hayaan mo akong mag-isip. Leche ka." Sagot ni Luwalhati na halatang galit sa alipores. Nag-isip siya sandali at maya-maya pa'y nagsalita, "Aha, alam ko na, sasabihin ko kay Blangelina na magkampihan na lang kami at haraping sabay ang aming kalaban. Tama, yang ang aking gagawin!" Sabay LOL.

Nagulat ang ikalawang alipores sa tinuran ng amo. "Mam, IMHO, tama ka at hwag na hwag kang makikinig kailanman sa sinasabi ng aking katoto rito."

"Shhh. Hwag na kayong magtalo. Halikayo at puntahan natin si Blangelina. Kakausapin ko siya ngayon din." Pag-aaya ng amo sa mga alipores.

Samantala, nang mga sandaling iyon, nagkakatipon sina Blangelina at ang kanyang mga kampon sa paligid ng isang kumukulong talyase ng mainit at maitim na langis sa loob ng sariling kweba. Nakikita nila roon ang bahagi ng kweba ni Luwalhati kung saan nag-uusap ang mga iyon. May nailagay pala ang kanyang kampon na isang spy camera kaya't maliwanang niyang nakikita at naririnig ang pinag-uusapan ng katunggali.

"Hmmm....tila may binabalak na hindi ko gusto si Luwalhati. Mga bata, humanda kayo sa kanilang pagdating. Kunyari ay hindi natin alam. Papapasukin natin sila dito sa ating kweba at kung may gawin silang masama laban sa atin, titirahin natin silang lahat. Humanda kayo!" Utos niya sa lahat. Iniutos din niya sa gwardya ng kweba na kilatising mabuti ang mga darating at papasukin kung walang dalang sandata.

Nakarating sina Luwalhati sa kweba ni Blangelina. At matapos silang inspeksuynin ng gwardia ay mabilis naman silang nakapasok. Alerto ang mga kampon ni Blangelina sa bawat kilos ng mga bisita. Bagama't iisa silang lahi, hindi madali para sa kanila, o para sa angkan nila Luwalhati, ang pagtiwalaan ang kapwa dahil na rin sa likas nilang mapanlinlang na ugali.

Nakapasok ang grupo ni Luwalhati sa silid ni Blangelina. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at ipinaliwanag ang kanyang plano. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, sumangayon din ang kanyang kausap.

Kinabukasan, sisimulan nila ang nabuong plano.

May karugtong...

8 kuro-kuro o puna:

Anonymous said...

gud stori..oopss..nabitin ako dun ah..hehe abangan ko karugtong nyan sir rino.

Anonymous said...

Salamat sa iyong pagsubaybay. Sa totoo lang, pinaplano ko pa nga rin kung ano talaga ang plano nilang dalawa e. LOL... :)

Anonymous said...

hahaha..okay yan bro. surprise talaga! mbuhay ka!

Anonymous said...

hello kapatid..mukhang busy tayo ah.

raqgold said...

wow, at isa ka rin palang short story writer! at ang maganda nito, sa tagalog... na try mo na bang sumali sa palanca?

kengkay here

Anonymous said...

Kelan ang karugtong hehe

Claw Machines said...

Sir,
Ang lupit ng tagalog mo pwede kang makata. he he he. Teacher ka ba ng Filipino.

pwede ba kabang maka xlink para maka visit ko lagi d2
http://depedteacher.blogspot.com

Pasyalera said...

kelan po ang kasunod?